Bagyong Marce, bumagal ang galaw; inaasahang nasa labas na ng PAR bukas

11AM BAGYOBumagal ang galaw ng bagyong Marce habang tinatahak ang direksyong North Northwest.

Batay sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 305 kilometers west ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 105 kilometers per hour.

Patuloy na kumikilos ang bagyo pa hilaga sa bilis na 11 kilometers per hour.

Pero ayon pa sa PAGASA, wala nang direktang epekto ang bagyong Marce sa kahit saang bahagi ng bansa.

Tinanggal na rin ng PAGASA ang lahat ng Tropical Cyclone Warning Signal na una nang itinaas noong Biyernes.

Inaasahang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Marce bukas, araw ng Lunes.

Read more...