VP Robredo, itinangging pinondohan ang Friday protest na kontra sa Marcos hero’s burial

Inquirer Photo
Inquirer Photo

Tinawanan lang ni Vice President Leni Robredo ang akusasyon na pinondohan nito ang isinagawang Friday protest laban sa pagkakalibing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Robredo, insulto para sa mga dumalo at nakiisa sa malawakang pagtitipon ang nasabing akusasyon at wala rin aniya siyang pondo para makapag-organize ng ganitong hakbang.

Mali aniya na pinapalutang ang ganitong akusasyon lalo na’t lahat ng mga nakiisa sa pagtitipon ay naniniwala lamang na mali ang isinagawang hero’s burial kay Marcos.

Sinabi rin ng pangalawang pangulo na lahat na nakakakilala sa kanya ay hindi maniniwala na kaya niyang magpondo para sa nasabing pagtitipon dahil wala naman siyang pera.

Inakusahan si Robredo at ang Liberal Party ng The Public Defenders, isang grupong na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng kilos protesta na isinagawa noong Biyernes sa Luneta.

Read more...