DepEd, iimbestigahan ang maanomalyang China trip ng ilang opisyal

brionesBumuo ang Department of Education ng investigating team kaugnay sa mga naiulat na korapsyon sa ahensiya.

Kasama sa umano’y maanomalyang korapsyon ang mga proyekto at biyaheng-abroad ng ilang opisyal ng ahensiya.

Umapela ang Filipino Alliance for Transparency and Empowerment kay Education Secretary Leonor Briones na siyasatin ang ilang recorded reports kaugnay sa umano’y pagbibigay ng libreng biyahe sa ilang DepEd inspectors patungong China.

Batay sa pahayag ng grupo, nagbigay ang Multifocus company, isang suplayer ng DepEd, ng pondo para sa nasabing biyahe sa China upang suriin ang anila’y “cabinet for bidding”.

Ayon kay Briones, inatasan niya ang investigating team na suriin ang mga record ng nasabing China trip.

Takot naman magsampa ng kaso ang Miltufocus Corporation alabn sa DepEd Bids and Awards Committee na inalisan ni Assistance Scecretary Jesus Mateo kung saan tinatayang 1.5 bilyong piso ang halagan ng mga kontrata nito sa ahensiya.

Gayunman, magsasagawa ang FATE ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa naturang kontrobersiya.

Read more...