Pambato ng Pilipinas sa Miss Globe 2016, pasok sa top 10

lifestyle.inquirer.net file photo

Nagtapos ang pambato ng Pilipinas na si Binibining Pilipinas Globe Nichole Manalo sa Top 10 ng  Miss Globe 2016 na ginanap sa Tirana, Albania.

Bigo man ang 27-year-old registered nurse na maiuwi ang korona ng naturang pageant, itinanghal naman si Manalo bilang “Miss Dream Girl of the World.”

Kinoronahan bilang Miss Globe 2016 si Dimple Patel ng India habang si Yenny Carillo ng Columbia ang itinanghal na  first runner up at si Kristina Skurra ng Albania naman ang second runner-up.

Si Manaklo ay kapatid nina 2009 Miss Universe Philippines Bianca Manalo at 2002 Miss World Philippines Katherine Manalo.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay itinanghal ang pamabto ng Pilipinas na si Ann Colis na Miss Globe na ginanap sa Toronto, Canada.

Read more...