David at 9 y/o na anak, sugatan sa sunog sa Davao city

Davao City mapSugatan sina Department of Tourism Assistant Secretary Eden David at kanyang siyam na taong gulang na anak nang masunog ang bahay nito sa Davao City.

Nasawi naman sa sunog ang kasambahay na si Kimberly Luayon, habang sugatan din ang isa pa.

Na-confine sa ospital sina David at ang sugatang kasambahay.

Ayon sa pulisya, nagsimula ang sunog dakong alas-12:30 hatinggabi at naapula dakong ala-1:30 ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Davao City, electric short circuit ang posibleng sanhi ng sunog.

Read more...