DOH, maglalaan ng P570M na pondo para sa mga drug rehab centers

DOHMaglalaan ng 570 million pesos ang Department of Health (DOH) para magtayo, mai-upgrade, mapalawak at maisaayos ang 16 na public drug treatment and rehabilitation centers (TRCs) sa bansa bilang suporta sa kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.

Ayon kay Pimentel kasama sa panukalang 3.35-trillion pesos 2017 national budget ang paglalan ng pondo para sa pagbuo ng imprastraktura ng mga government-run residential TRCs para matugunan ang malaking bilang ng mga drug users.

Sinabi rin ni Pimentel, na miymbro ng House appropriations committee, ang pondong P570 million ay nakalaan para sa mga drug centers sa Bicutan, Taguig City namakakuha ng  51 million pesos ; sa San Fernando, La Union na may 15 million pesos; sa Bauko, Mountain Province na may 65 million pesos; sa Ilagan, Isabela na may 20.3 million pesos; sa Pilar, Bataan na may 20 million pesos ; sa Pampanga na may 60 million pesos ; sa San Fernando, Camarines Sur na may 24.2 million pesos ; sa Pototan, Iloilo na may 8.3 million pesos ; sa Argao, Cebu na may 54 million pesos ; sa Cebu City na may 11.7 million pesos ; sa Dulag, Leyte na may P4.2 million pesos; sa Sindangan, Zamboanga del Norte na may P20 million pesos; sa Ipil, Zamboanga Sibugay na may 20 million pesos; sa Cagayan de Oro City na may 11 million pesos at sa Davao City na may 35 million pesos.

Dagdag pa ni Pimentel na kasama din sa naturang budget ang 150 million pesos na ibibigay sa DOH central office para sa infrastructure requirements ng mga nasabing centers.

Binigyang diin din ni Pimentel na kailangan ng gobyerno na madala ang malaking bilang ng mga drug users sa mga government-owned treatment facilities para epektibong matugunan ang priblema sa ilegal na droga.

 

 

Read more...