Bayan ng Butig sa Lanao Del Sur, babawiin ng militar mula sa Maute Group

butig lanao del surInatasan na ang pwersa ng gobyerno para bawiin ang bayan ng Butig sa lalawigan ng Lanao Del Sur na kinubkob ng Islamic State-inspired militant group na Maute group.

Ang Maute group na may 200 tagasunod ay inukopahan ang town hall, eskwelahan at mosque ng Butig.

Ayon kay Col. Roseller Murillo, commander ng 103rd Army Brigade ay isang opensiba ang inilunsad laban sa natutang teroristang grupo.

Dagdag pa ni Murillo, nagkaroon  ng palitan ng putok kahapon ng umaga ng Sabado matapos tangkain ng tropa ng military nan a mabawi ang town hall ng nasabing bayan.

Sa kasalukuyan patuloy ang opensiba ng militar habang papalapit ang pwersa ng gobyerno sa kinaroonan ng kanilang target.

Read more...