Hinihinalang shabu lab sa Catanduanes, natunton ng PNP at ng militar

catanduanesNagsagawa ng special operation para sa verification at assessment ang PNP at ng militar sa isang hinihinalang shabu laboratory na naka-disguise na isang warehouse sa Barangay Palta sa Virac, Catanduanes.

Ang naturang warehouse ay pinaupahan sa isang nagngangalang Jason Gonzales Uy.

Ilan sa mga natagpuan sa naturang operasyon ay ang isang hydrogenator, weighing scale, mga glasswares, motorized mixing apparatus at mga kemikal.

Binubuo ang inspecting team ng mga pulis kasama si Mayor Samuel Laynes at ng isang Angelica Balmadrid.

Sa kasalukuyan, ang naturang lugar ay binabantayan ng puliysa at ng Philippine Army.

Read more...