World leaders, nagbigay ng pagkilala sa pumanaw na Cuban revolutionary leader na si Fidel Castro

inquirer.net file photo

Nagbigay ng pagkilala ang iba’t ibang world leaders sa pagpanaw ng Cuban revolutionary leader na si Fidel Castro na siyang bumuo ng isang communist state malapit lang sa Estados Unidos.

Namatay si Castro sa edad na 90 taong gulang at ito ay inanunsyo ng kanyang nakakabatang kapatid at successor na si Raul Castro sa pamamagitan ng state television.

Ayon kay Mikhail Gorbachev, ang huling lider ng Soviet Union, na nag-iwan si Castro ng marka sa kanyang bansa at sa kasaysayan ng mundo.

Nakiramay rin si Russian President Vladimir Putin at kanyang sinabi na si Castro ay isang inspirasyon sa maraming bansa.

Sinabi rin ni Venezuelan President Nicolas Maduro na si Castro ay magpapatuloy na maging inspirasyon ng kanilang bansa.

Nakiramay din sina Bolivian President Evo Morales, Ecuadorean President Rafael Correa, South African President Jacob Zuma at French President Francois Hollande sa pagkamatay ni Castro.

 

 

Read more...