Nasungkit ni Milan “El Metodico” Melindo ang interim IBF junior flyweight title matapos matalo si Fahlan Sakkreerin Jr. ng bansang Thailand sa main event ng Pinoy Pride 39: Road to Redemption kahapon ng Sabado sa Cebu Coliseum.
Ayon kay Melindo kanyang binago ang kanyang mga taktika sa kalagitnan ng laro matapos na masuntok siya na nag-iwan ng sugat sa kanyang ilong.
Dagdag pa ni Melindo na ang kanyang naging conditioning training kay Pio Solon ay nakatulong laban kay Fahlan.
Ang naging iksor ng mga hurado ay 115-113, 117-111 at 117-111, lahat pabor kay Melindo.
Ito na ang pangatong subok ni Melindo para sa world title, noong una ay ay noong taong 2013 kung saan natalo siya kay to Juan Francisco Estrada ng Mexico sa Macau at pangalawa noong 2015 na kung saan kanyang nakaharap si Javier Mendoza na nauwi sa technical decision sa ika-anim na round ng laban.