DSWD-ARMM, nagbigay-ayuda sa halos 3,000 pamilya na apektado sa sagupaan ng militar at Maute group sa Lanao del Sur

final dswdBinigyan na ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development ang may dalawa hanggang tatlong libong pamilya na apektado ng kaguluhan sa Butig, Lanao del Sur.

Ito ay matapos kubkubin ng rebeldeng grupo na Maute ang abandonadong munisipyo ng Butig.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DSWD Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional Director at Vice Governor Haruon Alrashid Lucman Jr., na ang nabigyan ng ayuda ngayon ay ang mga nag alisang residente sa Butig.

Hindi pa aniya mapasok ng DSWD ang lugar dahil wala pang clearance mula sa militar.

Dahil dito, sinabi ni Lucman na hindi pa nabibigyan ng ayuda ang mga naipit na residente sa Butig.

Ayaw namang isugal ni Lucman ang kaligtasan ng DSWD workers.

Read more...