Protesta kontra Marcos burial, “waste of time” ayon kay Estrada

Joseph-estradaTinawag ni Manila Mayor at dating Pangulong Joseph Estrada na pagsasayang lamang ng oras ang mga protesta laban sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Aniya, patay na si Marcos at wala nang kapangyarihan ang mga tao, bilang mga Kristyano, na hatulan ang namayapa na.
Pahayag ni Estrada, kaya lamang niya pinayagan ang mga protesta sa Maynila nang walang permit dahil ipinag-utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag niya, sa halip, dapat tulungan na lamang ng mga nagpoprotesta ang bansa.

Read more...