Presyo ng petrolyo, nagbabantang tumaas sa susunod na linggo

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILNakaambang magtaas ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

Maaaring tumaas nang 1.20 piso hanggang 1.50 piso kada litro ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene.

Ayon sa tagapagsalita ng Department of Energy na si Felix Fuentebella, ito ay dahil sa pagbaba ng halaga ng piso at sa nagaganap na negosasyon sa Organization of the Petroleum Exporting Countries.

Batay sa huling datos ng DOE, ang presyo ng diesel ay naglalaro mula 25.75 piso hanggang 29.32 piso kada litro habang ang presyo ng gasolina naman ay nasa 34.60 piso hanggang 44.10 piso kada litro.

 

Read more...