Ito ay matapos sabihin ni Morales na nasa madilim na panahon ngayon ang bansa at kailangang balikan ang dalawa sa Sampung Utos na “Thou shall not kill”at “Thou shall not steal” na pasaring niya sa kampanya kontra iligal na droga.
Ani Panelo, 4,000,000 katao ang potensyal na mamamatay-tao, rapist, at magnanakaw dahil nalulong sa iligal na droga.
Sa kabila nito, halos 100,000 suspek ng iligal na droga pa lamang ang sumusuko.
Dagdag ni Panelo, ang diumano’y extrajudicial killings ay kagagawan ng mga sindikato ng droga para pigilan ang mga nais sumuko na magbigay ng impormasyon sa mga otoridad.