Isyu ng Marcos burial, huwag gamitin sa oust Duterte plot ayon sa pro-Duterte group

marcos burial protest 3Bumuwelta ang pro-Duterte group na republic defenders laban sa mga grupo na nanawagan sa pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Ayon kay Quezon City councilor Bong Suntay, secretary general ng grupong republic defenders, hindi tamang gamitin ang isyu ng Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani sa mga oust duterte move.

Nanindigan ang grupo na hindi sapat na dahilan ang pagpapalibing ni Duterte kay Marcos sa LNMB para ito ay sipain sa puwesto.

Hindi rin aniya totoo na binabago ni Duterte ang kasaysayan tulad ng sinasabi ng mga anti-marcos groups.

Iginiit ni Suntay na panahon na para mag-move on sa nasabing usapin dahil para sa kanila ay tapos na ang isyu.

Kaugnay nito, nanawagan si Suntay sa pamunuan ng mga eskwelahan na imbes na gamitin ang mga bata sa kilos-protesta sa kalsada ay hikayatin nito ang mga mag-aaral na mag-move on na sa usapin ng Marcos burial.

Read more...