Ayon kay Cusi, pinakilos na niya ang power bureau para agad na maibalik ang suplay ng kuryente.
Base sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines, tatlong transmission facilities ang sinira ng nasabing bagyo.
Ito ay ang Panit-An-Altavas 69 kilovolt line, Panit-An-Nabas 138 kilovolt line at San Jose-Bugasong 69 kilovolt line.
Dahil sa pagkasira ng tatlong transmission facilities, naapektuhan ang suplay ng kuryente sa mga probinsya ng Aklan, Antique at capiz.
Samantala, sinabi ni Cusi na 96 percent nang naibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa probinsya ng Cagayan, Isabela, Abra, Kalinga at Apayao sa nagdaang Bagyong Lawin.
Excerpt: