CCP, itinanggi ang pirmahan ng bilateral ceasefire agreement sa Disyembre

GRP-CPPItinanggi ng Communist Party of the Philippines na may pirmahan ng bilateral ceasefire agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng rebeldeng grupo pagdating ng Disyembre.

Reaksyon ito ng CPP sa pahayag ni Secretary Silvestre Bello III na pipirmahan na joint bilateral permanent ceasefire sa December 10.

Sa isang statement, sinabi ng CPP na wala pang negosasyon para sa nasabing kasunduan.

Ayon sa CPP, hindi pa tinutupad ng GRP panel ang kahilingan nila na palayain ang lahat ng mga political prisoners dahilan para hindi sila pumirma sa kasunduan.

Hindi pa rin anila inaalis ang pwersa ng military sa mga kinokonsidera nilang guerilla zones at revolutionary areas.

Inulit ng CPP ang kanilang panawagan na tanggalin ang Oplan Bayanihan at alisin ang sundalo sa mga kanayunan.

Read more...