Green Party, naghain ng recount complaint ng mga boto sa Wisconsin

Courtesy: Wisconsin Green Party website
Courtesy: Wisconsin Green Party website

Naghain na ng recount complaint ang Green Party officials para ipabilang ulit ang boto sa Wisconsin.

Ito ay matapos manalo sa naturang estado si President-elect Donald Trump kontra kay Secretary of State Hillary clinton.

Ayon kay Wisconsin Green Party co-chairman George Martin, nais nilang ipabusisi ang “reconciliation of paper records”, isa umano itong request na higit pa sa simpleng recount.

Giit ni Martin, nais ng kanilang partido na malaman ang integridad ng katatapos na eleksyon at kung gumagana ang electoral democracy.

Una rito, kinuwestyun na ang resulta sa Wisconsin kung saan nanalo si Trump kontra kay Cinton.

Sa ngayon, nakalikom na ang partido ng limang milyong dolyar para ipambayad sa recount.

Read more...