200 pamilya sa Capiz, inilikas dahil sa bagyong Marce

Tinatayang nasa 1,000 residente o 200 pamilya ang kinailangang ilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa pagbabahang dulot ng bagyong “Marce.”

Apektado ng bagyo ang mga residente sa mga bayan ng Maayon, Tapaz, Panay, Dao, Sigma, Ivisan at Dumalag, pati na sa ROxas CIty.

Ayon kay provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO) executive officer Esperedion Pelaez, binaha rin ang mga palayan sa bayan ng Cuartero, Maayon at Mambusao.

Samantala, ayon naman sa coast guard sa Iloilo, nasa 60 mga bangka rin ang nasira dahil sa malalakas na hangin at malalaking alon.

Pansamantala namang inihinto ang paglalayag ng mga motorboats sa pagitan ng Iloilo at Guimaras Island pasado alas-2:00 ng hapon kahapon, ngunit pinayagan na rin pagdating ng alas-6:00 ng gabi sa kundisyong dapat 75 percent lang ng capacity ng bangka ang isasakay nitong pasahero.

Read more...