Kinilala ang mga nasawing ahente na sina Tomas Rentoy VII at Isagani Dadis, habang ang nawawalang pulis naman ay si SPO4 Edwin Pagao.
Patungo sana ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Camarines Sur sa bayan ng Garchitorena para magsagawa ng isang operasyon.
Ngunit nang maglayag sila, lumakas ang alon dahil sa masamang panahong dala ng bagyong Marce kaya tumaob ang kanilang sinasakyan malapit sa Barangay Mapid, kahapon ng umaga.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa nawawala pa ring si Pagao.
MOST READ
LATEST STORIES