Mag-inang dating Pangulong Aquino, sinisi ni Duterte sa Marcos burial

cory pnoySinisi ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-inang dating Pangulong Cory Aquino at Benigno Aquino III sa pagkakahimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sa ambush interview sa pangulo sa pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City, sinabi nito na labing dalawang taon na nanungkulan sa Malacañang ang mag-inang Aquino subalit hindi naman inamyendahan ang batas ukol sa pagililibing sa LNMB.

Kaugnay nito ay muling nanindigan ang pangulo na sinusunod lamang niya ang batas.

Malinaw aniya na naging pangulo at naging sundalo si Marcos kaya kwalipikado itong mailibing sa LNMB.

Matatandaag nailibing si Marcos sa LNMB noong Nobyembre 18 na sinalubong naman ng kaliwa’t kanang kilos protesta.

Kabilang na dito ang isinagawang malawakang “Black Friday” protest ng mga anti-Marcos sa Luneta Park, kung saan umabot umano ng mahigit labinlimang libo katao ang tumungo ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes.

Read more...