De Lima, iimbestigahan ng Ombudsman

Leila de Lima1Iniutos na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsasagawa ng fact-finding investigation sa umano’y pagkakasangkot ni Sen. Leila de Lima sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay Morales, mayroon nang ilang mga leads at bibigyan nila ito ng due course sa pamamagitan ng imbestigasyon.

Nabatid na rin kasi ng Ombudsman ang reklamo ng hepe ng Albuera police na si Chief Insp. Jovie Espenido na nag-aakusa kay De Lima na tumatanggap ng payola mula kay confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Una nang sinabi ni Morales noong nakaraang buwan na wala siyang balak mag-simula ng moth proprio investigation, na nakabase lamang sa pakiwari ng ahensya, at kailangan na mayroon munang mas matibay na leads laban sa senadora bago nila ito gawin.

Kamakailan ay inilaglag si De Lima ni Espinosa sa pagdinig na dinaluhan nito sa Senado, pati ng kaniyang dating driver at karelasyon na si Ronnie Dayan sa pagdinig naman sa Kamara. Parehong iginiit ng dalawa ang pagtanggap ng senadora ng pera mula kay Espinosa.

Read more...