Ito’y sa kabila pa ng mga inconsistencies ng mga testimonya nina Dayan at Espinosa sa kanilang pagharap sa magkahiwalay na pagdinig ng Kamara at Senado tungkol sa kinalaman nila sa kalakalan ng iligal na droga at kaugnayan dito ni De Lima.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, nais ng mga prosecutors na mai-klaro ang pagkakaiba sa mga pahayag ni Dayan nang humarap ito sa Kamara noong Huwebes.
Pakiramdam kasi ni Aguirre, marami pang mga itinatago si Dayan, at kung isasailalim siya sa WPP, baka mas makumbinse ito na sabihin pa ang kaniyang mga nalalaman.
Dagdag pa ng kalihim, parang may mga alangan pa si Dayan dahil ayaw niya pang aminin ang lahat ng kaniyang pagkakaugnay sa kalakalan ng iligal na droga.
Posible aniyang maiba pa ang testimonya ni Dayan, at pag nangyari ito, ie-evaluate nila ito muli at baka maipasok na siya sa regulat status ng WPP.
Sisiyasatin rin aniya nang maigi ng mga abogado ng Department of Justice (DOJ) si Espinosa upang tukuyin kung maari siyang ilagay na nang tuluyan sa WPP.
Iginiit naman ni Aguirre na hindi lahat ng pagkakaiba sa pahayag ay ikinaka-disqualify ng isang testigo sa WPP, dahil may ilang mga desisyon ang Korte Suprema na pawang mga minor inconsistencies ang nagpatunay na totoo ang sinasabi ng testigo.
Nilinaw rin ni Aguirre na wala silang ginawa o pinakialaman sa apat na pahinang affidavit na isinumite ni Dayan sa Kamara.