Biyahe sa EDSA, bahagya nang bumilis – PNP-HPG

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Bahagya na umanong bumilis ang biyahe sa EDSA matapos na ipatupad ang no window hour policy.

Ayon kay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Deputy Public Information head Senior Insp. Jem Delantes, mas umigi na ang lagay ng biyahe ng mga motorista sa EDSA.

Base sa datos na hawak ng PNP-HPG na mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), noong may window hour pa, pumapalo sa average na 1 hour and 6 mins. ang biyahe sa EDSA mula sa Monumento hanggang Roxas Blvd. at gayundin pabalik.

Pero nang ipinatupad na nila ang no window hour policy simula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi, nabawasan ito ng 20 minuto at bumaba na sa 46 minutes ang average travel time sa EDSA mula Monumento hanggang Roxas Blvd.

Dulot aniya ito ng malaking nababawas sa bilang ng mga sasakyan at motorista sa EDSA na bumibyahe araw-araw, kumpara noong wala pang no window hour policy na ipinatutupad ang MMDA.

Read more...