Anim pang government properties planong buksan sa daloy ng trapiko

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na buksan ang anim pang government properties sa daloy ng trapiko para kahit papaano ay maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila.

Kabilang dito ang Bonifacio Naval Station sa Taguig na layong maresolba ang gridlocks mula sa Lawton Avenue patungong Pasong Tamo; ang Office for Transportation Security sa kahabaan ng airport area na target mabuksan sa susunod na linggo, at ang Barangay road na magdudugtong sa EDSA patungong Jupiter Street, sa Makati.

Ayon kay MMDA General Manager Thomas Orbos, pinag-aaralan ding maipagamit sa mga motorista ang University of the Philippines campus, ang MMDA property sa Roxas Boulevard, at ilang pag-aari ng Philippine National Railways at National Power Corp. bilang mga access road.

Unang inanusyo ng MMDA ang pagbubukas ng Camp Aguinaldo para sa mga private vehicles upang magamit ng mga motorista na galing sa Katipunan at Santolan.

Ani Orbos bagaman nakabawas ng 10-minuto sa biyahe sa EDSA ang no-window hours policy, mayroon pa ring 20 percent overcapacity ng mga sasakyan sa nasabing kalsada.

 

 

Read more...