Umarangkada na ang Black Friday protest sa magkakaibang lugar sa Metro Manila
Sa University of the Philippines sa Diliman, nagwalk out sa kani-kanilang silid aralan ang mga estudyante para lumahok sa protesta.
Nagsama-sama naman sa kahabaan ng Katipunan Ave sa QC ang mga estudyante ng UP, Miriam College at Ateneo para sa isasagawa nilang programa.
Scene here at Katipunan Avenue pic.twitter.com/foefyEq8YU
— jovic yee (@jovicyeeINQ) November 25, 2016
Ang mga estudyante ay sumisigaw ng “busina para sa hustisya” at hinihikayat ang mga dumaraang motorista na makiisa sa pamamagitan ng pagbusina.
Sa Maynila, magkakahiwalay na nagtipun-tipon ang mga magpoprotesta sa bahagi ng PGH sa Taft Avenue, ang mga estudyante ng Adamson University at iba pang grupo bago sama-samang magmartsa patungo sa Quirino Grandstand kung saan sila magsasagawa ng programa.
Mga estudyante ng @AdamsonUni lumabas na ng kanilang silid-aralan para sa black friday protest @dzIQ990 pic.twitter.com/0kpHZscEY6
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) November 25, 2016