Ayon kay AFP Spokesman Col. Noel Detoyato, ito ay sa oras na maipatupad na ang Killed In Action Off-base Housing Program.
Sinabi ni Detoyato na kinumpirma na ng Presidential Management Staff na nagpalabas na ng resolusyon ang Board of Directors ng National Housing Authority (NHA) noon pang nakaraang Marso para sa housing assistance sa mga masasawing sundalo at pulis sa mga operasyon.
Ayon pa kay Detoyato, inatasan na ang major services ng AFP na makipag-ugnayan sa mga dependents ng mga nasawing sundalo na makipag-ugnayan sa AFP Housing Management Division.
Nabatid na ang kailangan lang na isumite ng mga dependents ay ang kanilang mga pangalan, address at kung saan sa mga housing projects ni Pangulong Noynoy Aquino nais nilang magkaroon ng sariling bahay.
Samantala, ayon kay AFP Chief of Staff General Hernando Irriberi na ang programang ito ay patunay na lubos na pinahahalagahan ng gobyerno ang mga sundalo./ Jan Escosio