“Hybrid” voting sa 2016 elections, malabo na-Sen.Koko

Inquirer file photo

Tiniyak ng Commission on Elections na malabo ng gamitin ang ‘hybrid’ voting sa 2016 Presidential Elections.

Sa hearing ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Electon System, sinabi ni Senador Koko Pimentel na nagpahiwatig ang Comelec sa posibilidad na gamiting muli ang Precinct Count Optical Scan Machines o PCOS.

Mismong si Comelec Chairman Andres Bautista na rin aniya ang nagsabi na ayaw ng mga guro ang hybrid voting dahil sa magastos at may mga logistical issues dito.

Nabatid na aabot sa 90,000 PCOS machines ang balak arkilahin o bilhin ng Comelec para sa susunod na halalan.

Idinagdag pa ni Pimentel na maari na ring gamitin ng Comelec sa 2019 elections ang mga bagong counting machines na ginawa at dinensyo sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Pimentel na nangako ang poll body na popondohan ang naturang makina upang hindi na aasa ang bansa sa mga counting machines na ginawa sa ibang bansa./ Chona Yu

 

Read more...