Bagyong Marce, nag-landfall na sa Siargao Island

Marce
Pagasa photo

Nag-landfall na ang bagyong Marce sa Siargao Island sa Surigao del Norte kaninang hapon.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 60 kilometers east southeast ng Surigao City.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 55kph.

Sinabi rin ng PAGASA na bahagyang bumilis ang galaw ng bagyong Marce sa 19 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas na ang Signal No. 1 sa Romblon, Cuyo Island, Calamian Group at Southern part ng Mindoro provinces, Biliran, Southern part ng Samar, Southern part ng eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu kabilang na Bantayan at Camotes Islands.

Nasa ilalim din ng Signal No. 1 ang Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Guimaras, Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island, Surigao del Sur, Dinagat Islands, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Lori Dela Cruz, wala naman direktang epekto ang bagyong Marce sa Metro Manila pero posible pa rin makaranas ng mga pag-ulan sa Metro Manila ngayong weekend.

Nagpaalala rin ang PAGASA na iwasan muna ang paglalayag sa northern seaboard ng Northern Luzon.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Lunes.

Read more...