Ronnie Dayan, nasa kustodiya na ng PNP

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Pormal nang naiturn over ng Kamara si Ronnie Dayan sa Philippine National Police o PNP.

Ayon kay House Justice Panel Vice Chairman, nagkasundo na isailalim na sa kustodiya ng PNP si Dayan.

Pinirmahan ni Dayan ang sertipikasyon para sa turn over ng kustodiya.

Tinanggap din ni PNP Chief Bato dela Rosa ang custody kay Dayan.

Pero bago yan ay sinuri muna ng doktor ng Mababang Kapulungan si Dayan.

Sinabi ni Veloso na sa PNP, tiyal ang proteksyon ni Dayan.

Kung sa NBI raw kasi mananatili si Dayan, baka hindi na siya makalabas dahil ipoproseso ang pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program o WPP.

At dahil nais ni Dayan na makauwi sa Pangasinan, sa PNP na lang muna siya at doon na lamang muna dadalawin ng pamilya.

Ilang araw na nasa kustodiya ng Kamara si Dayan, mula nang maaresto ng PNP sa La Union sa bisa ng warrant of arrest.

Read more...