Ronnie Dayan binigyan na ng immunity ng Kamara

Dayan AlvarezInaprubahan na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang immunity para kay Ronnie Dayan.

Isang pahina ang kopya ng immunity certification na pirmado ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Dahil dito, may immunity from suit si Dayan mula sa anumang kaso basta’t sasabihin lamang ang buong katotohanan sa imbestigasyon ng House Justice Comittee.

Inendorso na rin siya na mapasailalim sa Witness Protection Program o WPP ng Department of Justice.

Ang pagsisiyasat ng lupon ay pagpapatuloy ng Bilibid drug trade probe.

Matatandaang na nabigyan din ng immunity ng liderato ng Kamara ang iba pang mga testigo kahit pa ang mga drug lords maliban kay Joenel Sanchez na dati ring aide ni Sen. Leila De Lima

Read more...