Inamin ni Ronnie Dayan na sinuportahan at kinampanya pa niya si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 Presidential elections.
Sa pagdining ng House Justice Panel, sinabi ni Dayan na nagalit sa kanya si Senador Leila de Lima dahil sa pangangampanya niya kay Duterte.
Kuwento ni Dayan, sa Pangasinan ay may mga sako ng bigas na plain at puti na kanilang pinipinturahan at ilalagay na Vote Duterte for President.
Sa mga sako rin ay nakalagay sa taas ang pangalan ni De Lima habang sa ibababa si Duterte.
Nagsusuot din si Dayan ng baller na may “Duterte” pero nakatikim daw siya na ‘Pak’ o sampal mula kay De Lima dahil dito.
Makaraan ang pananampal ay sinabi umano ni De Lima ang mag katagang “mang-iidolo ka lang sira ulo pa”.
Pero tugon daw ni Dayan, “walang bansagan ng trip”!
Sa puntong iyun ay minura pa raw siya ni De Lima.
Sa simula pa lamang ng kampanya ay naging magka-away na sa pulitika sina De Lima at Duterte.
Sa katunayan, ang pangulo ang nagsiwalat ng pangalan ni Dayan na karelasyon ng Senadora.