40 ang patay sa pagbagsak ng itinatayong power plant cooling tower sa China

Photo from China Central Television
Photo from China Central Television

Nasawi ang aabot sa apa’t na pung katao makaraang gumuho ang platform ng itinatayong cooling tower ng isang power plant sa Jiangxi Province sa China.

Naganap ang aksidente alas 7:00 ng umaga ng Huwebes oras sa China.

Bumagsak umano ang platform ng cooling tower dahilan para madaganan at ma-trap ang mga taong nasa ilalim nito.

Sa mga larawan na inilabas ng China Central Television (CCTV), makikita ang mga konkretong slabs at bakal na nagkalat sa ibabang bahagi ng itinatayong pasilidad.

Maituturing itong isa sa pinakamaling industrial accident na naganap sa China.

Noon lamang Agosto, nagkaroon ng pipeline explosion sa isang coal-fired power plant sa Hubei Province na ikinasawi ng 21 katao.

Kabilang din sa malalaking industrial accidents na naitala sa China ay ang chemical leka sa isang planta na naging dahilan para maospital ang aabot sa 130 katao, gayundin ang chemical fire sa Jiangsu na tumagal ng labinganim na oras.

 

 

 

Read more...