Humarap bilang testigo sa reopening ng Bilibid drug trde ang anak ni Ronnie Dayan na si Hanna Mae, 23 years old.
Pumasok ang dalaga sa loob ng Belmonte hall na nakatakip ang mukha, dahil ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas ay kailangan ding maprotektahan ito.
Sa salaysay ni Hanna Mae, noong October 1 ay nagkaroon sila ng palitan ng mensahe ni Senadora Leila de Lima na tinawag niyang TL o “Tita Lei.”
Nagbiro pa si Fariñas kung ang TL ba ay true love o tuloy-laway, kaya nagtawanan ang mga tao sa loob ng kwarto.
Sa testimonya ni Hanna Mae, sinabi nito na pinatatanong umano ng kanyang tatay kay De Lima kung bakit may subpoena na dumatinf at kung ano ang gagawin.
Peto tugon ni De Lima, magtago na raw muna si Dayan at kagagawan daw ni House Speaker Pantaleon Alvarez at dikta Pangulong Rodrigo Duterte. Pagpipiyestahan lang din umano silang dalawa kapag dumalo sa hearing.
Nagpadala muli ng mensahe si Hanna Mae at tinanong kung hindi ba huhulihin ang kanyang tatay, subalit ang tugon ni de Lima “hindi ba nagtatago na siya?”
Pinakita rin ni Hanna Mae ang kanyang cellphone upang ipakita ang conversation nila ni De Lima.
Sa affidavit ni Dayan, sinabi niyang gusto niyang dumalo sa Bilibid probe ng Kamara subalit pinigilan daw siya ni De Lima.
Sinabi ni Fariñas na liable sa contempt of court si de Lima dahil sa pagpigil kay Dayan na humarap sa Kamara.