Klase sa mga lalawigang apektado ng bagyong Marce, suspendido na

walang pasokSuspendido na ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cebu dahil sa bagyong Marce.

Sa anunsyo ng ni Cebu Gov. Hilario Davide III ang suspensyon sa lahat ng antas ay para sa mga pampublikong paaralan lamang.

Umiral naman ang automatic suspension ng Department of Education (DepEd) para sa kindergarten sa mga private schools sa Cebu.

Sa iba pang mga lugar na nasa ilalim ng public storm warning signal number 1, automatic din na suspended ang klase sa kindergarten, maliban na lamang kung mag-aanunsyo ng suspensyon ang lokal na pamahalaan para sa ibang antas.

Sa Munisipalidad ng Bantayan, sinuspinde na ang klase hanggang elementary level.

 

 

Read more...