P5.9M na patong sa ulo ng dalawang ASG members, natanggap na ng impormante

abu-sayyafIpinagkaloob ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang informant ang tumataginting na 5.9M pisong inilaang reward money para sa pagkaka-neutralize sa dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa kidnap for ransom activities.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard A. Arevalo, paghahatian ng dalawang informants ang P5.9M na reward money matapos na matagumpay na maaresto si Suhud Yakan, alyas Ben Yasser at pagkakapatay kay ASG sub-leader Sihatra Muallam Asmad, alyas Latip.

Si Asmad ay sangkot sa pagdukot sa mga foreign guest at mga trabahador sa Sipadan Beach Resort sa Sabah Malaysia noong April 2000 at kidnapping sa mga miyembro ng Jehova’s Witnesses sa Patikul, Sulu noong Agosto taong 2000.

Wanted sa anim na bilang ng kasong kiddnapping at Illegal detention si Asmad at ito ay napatay sa isinagawang operasyon noong May 23, 2014.

May patong na P5.3-million sa kanyang ulo.

Habang si Yakan naman ay naaresto noong June 2001 at wanted sa kidnapping at serious illegal detention sa kidnapping ng 15 at pagpatay sa 2 residente ng Golden Harvest Plantation noong June 11, 2001 sa Barangay Tairan Lantawan, Basilan at may patong na P600,000 sa kanyang pagkakaaresto.

 

 

Read more...