Duterte sa pag-iyak ni Dela Rosa: “Naiintindihan ko siya”

INQUIRER PHOTO | RICHARD REYES
INQUIRER PHOTO | RICHARD REYES

Nauunawaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa nang ito ay maiyak kahapon sa kasagsagan ng senate hearing.

Sinabi ni Duterte na alam niya kung ano ang pinagmumulan niDela Rosa.

Hindi lang aniya napigilan ng PNP chief ang bugso ng kaniyang damdamin lalo pa at mabigat ang nakaatang sa kaniyang balikat.

“It was just an expression of a human being with a burden on the entire shoulders on the peace and the law and order of this country. Naiintindihan ko si Bato,” ayon sa pangulo.

Kahapon hindi napigilan ni Dela Rosa ang mapaiyak habang binabanggit ang kagustuhan niyang malinis ng tuluyan ang hanay ng pambansang pulisya.

Bagaman napakahirap aniya ng trabaho, nangako si Dela Rosa na hindi siya titigil hangga’t hindi ito naisasakatuparan.

 

Read more...