Barker, patay matapos barilin sa QC; hinihinalang tulak ng droga, patay din sa pamamaril sa Caloocan

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Pinatay ng mga nakamotor na gunmen ang isang barker habang nagtatawag ng pasahero sa tapat ng isang bangko sa Commonwealth Avenue, Barangay Balara Quezon City.

Kinilala ng kapatid ang napatay na biktima na si Matt Advincula-38 anyos na may alyas na “Joker”.

Ayon kay Samia Advincula, nabalitaan na lamang niya napatay na ang kanyang kapatid.

Sinabi naman ng saksing si aling Fely Acayin, nakarinig sila ng putok ng baril na noong una ay inakala nila na tunog ng tambutso.

Pero nang umalis ang pampasaherong jeep na pinpuno ng pasahero, doon na nakita si Matt na nakahandusay at wala nang buhay.

Samantala, pinasok ng mga armadong grupo sa loob ng bahay at saka pinatay ang hinihinalang pusher/user na si Gerald Supan sa Quezon Street, Barangay 25, Caloocan City.

Kuha ni Jong Manlapaz

Base sa kuha ng CCTV ng barangay, dumating ang may walong suspek na lulan ng apat na motorsiklo at huminto sa tapat ng bahay ng biktima.

Makikita sa video na may hawak na handgun ang mga suspek at sinusubukan nila makapasok sa loob ng bahay.

Sa isang bahagi din ng video pinaalis ng isang suspek ang mga nakatambay sa kanto.

Makalipas ng walong minuto napasok na ng mga suspek ang bahay. Nakita din sa video ang kanilang pag-alis.

Aminado ang kaanak ng biktima na sa kabila ng pagsuko sa Oplan Tokhang ay hindi pa rin ito tumigil sa iligal na gawain.

 

 

 

Read more...