Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 240 kilometer East Northeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras .
Kumikilos ito sa direksyong West Northwest wsa bilis na 17 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, ngayong hapon o gabi ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Surigao ang bagyong Marce.
Nakataas naman ang public storm warning signal number 1 sa Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao Del Sur, Dinagat Islands, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Misamis Oriental at Camiguin.
Ang mga residente sa nabanggit na mga lalawigan ay pinag-iingat ng PAGASA sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.
Sa Lunes pa ng umaga inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.