Hepe ng Albuera police, iimbestigahan na ni PNP chief Dela Rosa

 

Paiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa si Albuera police chief Jovie Espenido dahil sa umano’y pagiging protektor ng kalakalan ng iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, nakatanggap siya ng impormasyon na tumanggap rin si Espenido ng drug money.

Na-track na rin aniya ng pulisya si Lovely Adam Impal na itinuturo ni Kerwin Espinosa bilang kaniyang supplier habang siya ay naka-piit sa Cebu at Ormoc.

Kinumpirma rin ni Dela Rosa na buhay pa si Impal.

Sa kaso naman ni Senior Chief Supt. Asher Dolina na umano’y nakatanggap ng P6 milyon na drug money ayon key Espinosa, sinabi ni Dela Rosa na naka-floating status na ito at na mahaharap rin sa isang kaso.

Read more...