Binigyan ng pagkakataon ni Sen. Ping Lacson, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang mga pulis mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 na sagutin ang mga naunang alegasyon ni Kerwin Espinosa.
Sinabi ni Supt. Melvin Marcos, dating pinuno ng CIDG Region 8 na kailanman ay hindi siya humingi ng pera sa mga Espinosa lalo na para sa kandidatura ng kanyang misis na tumakbong vice mayor sa Pastrana, Leyte.
Tinawag rin ni Marcos na sinungaling si Espinosa.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni C/Insp. Leo Laraga, ang pulis na nakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na kilalang notorious na drug lord sa kanilang lugar na si Kerwin Espinosa.
Hindi rin daw totoo ang mga sinabi ni Kerwin na kasama siya sa mga tumatanggap ng buwanang payola.
Inginuso naman ni Supt. Noel Mitra sina dating police Gen. Vicente Loot at C/Supt. Asher Dolina na umano’y dahilan kung bakit hindi nila maaresto si Kerwin.
Sina Dolina at Loot umano ang protektor ng naturang drug lord kaya ito ay nagpatuloy sa kanyang iligal na gawain lalo noong nakalipas na administrasyon.