Obama nagbigay ng pagkilala sa kanyang huling presidential medals of freedom awards

Obama freedom awards
AP

Sa huling pagkakataon bilang pangulo ng U.S ay nagbigay si President Barrack Obama ng Presidential Medal of Freedom para sa mga natatanging mamamayan ng America.

Sa taong ito ay kabilang sa mga tumanggap ng pagkilala sina Michael Jordan, Robert De Niro, Bruce Springsteen at 21 iba pa.

Kumakatawan ang pagkilala sa mga indibiduwal mula sa iba’t ibang mga sektor tulad ng showbiz, sports, science at philanthropy.

Sinabi ni Obama na bawat taon ay nagugulat siya sa pambihirang mga katangian na ipinakikita ng mga Amerikano na nagbibigay anya ng inspirasyon sa buong mundo.

Sa kanyang pagbaba sa posisyon bilang lider ng isa sa pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo ay nag-iwan ng isang hamon para sa kanyang mga kababayan si Obama.

Hinamon niya ang kanyang mga kababayan na ituloy ang kanilang nasimulang pagtataguyod para manatili ang pagkilala sa U.S bilang isa sa mga nangungunang bansa sa mundo.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na present sa nasabing event ay sina Tom Hanks, Robert Redford, dating NBA star na si Kareem Abdul-Jabbar, cultural icon na si Diana Ross at talk-show host na si Ellen DeGeneres.

Read more...