PNP Chief Dela Rosa naiyak sa gitna ng Senate hearing

Bato cry
Photo: Chona Yu

Hindi napigilan ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang maluha habang ipinapaliwanag ang kanyang pagkadismaya sa laki ng problemang hinaharap ng pambansang pulisya.

Partikular na dito ang problema kaugnay sa iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Dela Rosa na dumating sa kanyang buhay bilang pinuno ng PNP na hirap na siyang magtiwala kahit na sa kanyang mga kasamahan sa serbisyo.

“Minsan hindi ko na alam kung sino ba talaga ang dapat pagtiwalaan sa aking mga kasamahan dahil sa lalim ng problema sa droga”, ayon kay Dela Rosa.

“Alam ko ang hirap na dinadaanan ng aking mga pulis….lumaki rin ako sa hirap pero ipinangako ko sa aking sarili na kahit kailan ay hindi ako masisilaw sa pera kapalit ang aking trabaho…tuloy lang ang laban, kaya ko ito…kaya ko ito”, dagdag pa ng opisyal.

Bago ito ay sinabi ni Sen. Migz Zubiri na ang hirap pagkatiwalaan sa kasalukuyan ng mga pulis dahil sa kanilang pagkakasangkot sa iba’t ibang mga kaso.

Binanggit naman ni Sen. Ping Lacson, pinuno ng Senate Committee on Publice Order and Dangerous Drugs na may mga pagkakataong dapat silipin ang tamang asal ng mga pulis.

Sinabi ni Lacson na dati ring pinuno ng PNP na umaasa siya na magpapatuloy ang disiplinang ipinatutupad ni Dela Rosa para sa buong hanay ng PNP.

Read more...