De Lima kay Kerwin Espinosa: “Patawarin ka ng Diyos”

De Lima - Kerwin“May God forgive you”

Ito ang mensahe ni Senator Leila De Lima kay Kerwin Espinosa Jr., matapos banggitin ni Kerwin sa pagdinig sa senado na umabot sa P8 milyon ang naibigay niyang pera para pantustos sa kandidatura ng senadora noong 2016 eleciton.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, tumanggi na si De Lima na magtanong pa kay Espinosa.

Pero sinabi nitong itinatanggi niya na tumanggap siya ng pera mula kay Kerwin.

“I categorically, firmly and absolutely deny having received any money, any cash from Mr. Kerwin Espinosa,” ani De Lima.

Sinabi ni De Lima na hindi siya kailanman nakibang, direkta man o hindi direkta sa pera ni Espinosa na mula sa negosyo nito sa illegal drugs.

Mensahe naman ni De Lima kay Kerwin, nawa ay patawarin siya ng Diyos sa kaniyang mga kasalanan.

Pinatatawad na rin umano ng senadora si Kerwin.

“May God forgive you for all your sins and may God forgive you for all you lies about me and I forgive you,” dagdag pa ni De Lima.

 

 

Read more...