Taiwanese National na wanted sa kasong kidnap for ransom, arestado sa NAIA

NAIA Terminal 2 | File Photo
NAIA Terminal 2 | File Photo

Inaresto ng Bureau of immigration (BI) sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Taiwanese National na wanted sa kasong kidnap for ransom sa Taiwan.

Ayon kay BI Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, nakilala ang naaresto na si Kan Chun Sung.

Sinabi ni Mangrobang na inaresto ito sa departure area ng NAIA T2 matapos makita sa record na nasa watchlist ito sa pagiging undesirable alien dahil wanted sa Taiwan.

Ayon kay Mangrobang meron itong warrant of arrest na inisyu ng Taiwan Taipei Prosecutor’s Office.

Pasakay sana ng Philippine Airlines flight PR 428 patungong Narita sa Japan.

Nakakulong na sa detention cell ng BI ang naarestong dayuhan habang inihahanda ang deportation nito pabalik ng Taiwan.

 

 

 

Read more...