Supplier ng droga sa Bulacan, patay sa buy-bust operation

DZIQ file photo
DZIQ file photo

Patay sa isinagawang drug buy-bust operation ang isang notoryus na drug supplier sa Malolos, Bulacan.

Nangyari ang insidente pasado alas 4:00 ng madaling araw kanina (November 23, Miyerkules) nang magsagawa ng operasyon ang Malolos Police.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Alvin Deboria habang nakatakas naman ang dalawang kasbwat nito sa kalakaran ng iligal na droga.

Nakuha sa crime scene ang 3 sachet ng shabu.

Si Deboria ay matagal na umanong nasa drug watchlist ng pulisya.

 

 

Read more...