Kapatid ni Dayan ang posibleng makakuha ng P1M na pabuya

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Posibleng sa pamilya ni Ronnie Dayan mapunta ang P1 milyon na pabuya na nilikom ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Ito ay matapos mahuli kahapon ang umano’y driver-bodyguard ni Sen. Leila de Lima sa liblib na bahagi ng San Juan, La Union.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng VACC, kung totoong ang kapatid ni Dayan ang nagbigay ng impormasyon sa pagsuko nito ay posibleng sa kaniya ibigay ang pabuya.

Paliwanag pa ni Topacio, batay sa kanilang naunang pahayag ang pabuya ay ibibigay sa sinumang impormante sa ikadadakip ng dating aide ni Sen. De Lima.

Pero nilinaw niyang hindi puwedeng ibigay ang pabuya sa PNP dahil trabaho naman talaga nga pulis na tugisin si Dayan.

Tiniyak din ng VACC na pag-aaralang mabuti ang naging sitwasyon para matukoy na karapat-dapat ang makatatanggap ng pabuya.

 

 

 

Read more...