Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 730 kilometer east ng Hinatuan.
Sinabi ng PAGASA na posibleng maging isang tropical depression ng nasabing LPA sa susunod na mga oras at papangalanan itong “Marce”.
Ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, hindi naman ito magiging malakas na bagyo pero nakapagpapaulan na sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag ulan ang Visayas, Mindanao at Bicol Region.
Posibleng tumagal hanggang Sabado ang pag-ulan sa nasabing mga lugar.
Habang isolated na pag-ulan lamang ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.