Affidavit ni Kerwin Espinosa, pirmado na

 

Napirmahan na ng hinihinalang Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa ang kanyang 27 pahinang sinumpaang salaysay na may kaugnayan sa mga nalalaman nito sa iligal na droga sa bansa.

Mismong si Supt. Enrico Rigor, hepe ng legal and investigation division ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ang nagkumpirma nito.

Ayon pa kay Atty. Rigor, bago mag alas-12 ng hatinggabi ay nilagdaan na ni Kerwin ang kanyang affidavit.

Sinabi pa ni Atty. Rigor, tumagal ng dalawang araw ang isinagawa na interview kay Kerwin sa tanggapan ng AIDG sa Kampo Krame kasama ang dalawa nitong abogado na sina Atty. Leilanie Villarino at Atty. Jona John Ungab.

Inaasahan na ngayong araw ihahain ang application ni Kerwin upang isailalim sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ).

Read more...