Dayan, aminadong nagdeliver ng pera mula kay Kerwin Espinosa kay De Lima

 

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Inamin ni Ronnie Dayan na tumanggap siya ng pera mula sa Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa kanyang pagharap sa Kamara, sinabi ni Dayan na hindi siya kailanman kumubra ng drug money mula sa mga drug lord, na humarap sa imbestigasyon ng Justice Panel ukol sa NBP drug trade.

Itinanggi naman ni Dayan na gumamit o nagbenta siya ng droga.

Pero napaamin si Dayan na kilala niya si Espinosa, at tumanggap ng pera rito dahil sa utos umano ni dating Justice Sec. at ngayo’y Sen. Leila de Lima.

Hindi naman binanggit ni Dayan kung magkano ang kanyang natanggap kay Espinosa, dahil hindi raw niya ito binibilang.

Subalit sa pagkakatanda niya, limang beses siyang nakatanggap ng salapi mula kay Espinosa, para sa kandidatura ni De Lima sa pagka-senador.

Sasagutin na lamang daw niya ang iba pang taong sa pagdinig ng Kamara sa November 24.

Sa huli nang matanong kung ano mensahe niya kay De Lima, sinabi ni Dayan na ‘Pakatatag ka.’

Sa ngayon ay nasa loob pa rin Batasan Pambansa.

Read more...